| View previous topic :: View next topic |
| Author |
Message |
introspect PSG Social Visitor

Joined: 04 Jun 2009 Posts: 6
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 9:08 am Post subject: OFW (Mukhang Pera nga ba?) |
|
|
TSOKOLATE
http://pinoy-blog-mike-avenue.blogspot.com/2009/06/tsokolate.html</a>
Itinatanong ko kung bakit naging bayani ang isang OFW. Hindi agad siya makasagot. Ngumiti siya at iniabot ang mga tsokolateng may tatak na “Made in China” sa likod ng pakete. Ang mga tsokolateng ito sa kamay ko ang isa sa mga sagisag na siya’y kagagaling lamang sa ibang bansa – sa Canada.
Naubos ang mga propesyonal dito. Halos lahat. Ang mga doctor na nagsunog ng kilay ng mahigit sampung taon, mas pinili ang maging nurse na assistant lamang ang ranggo sa abroad. Ang mga nurse naman na dapat ay dito magsisilbi sa bansa, mas ginusto pang mangibang bayan. Ang epekto nito? Bumaba ang antas ng industriya. Nagkasya kasi tayo sa mga second choice dahil ang mga de-kalibre, naroon at kasalukuyang minumura ng amo kapalit ng dolyar. Bayani ka bang tatawagin kung humahalik ka naman sa paa ng mga dayuhan? Labag yata iyan sa prinsipyo ni Rizal. Baka bumangon si Rizal.
Sayang ang mga talento na dapat sana’y sariling lupa ang nakikinabanag. Sayang ang mga pawis na sana’y didilig sa uhaw na mga kapatagan ng mamamayan. Sayang ang mga ugat na magdudugtong sana sa yaman at kaban ng bansa.
Ikakatwiran na walang pag-asa dito. Mahirap ang buhay dito. O talagang mahilig lang ang iba sa “piso tamang barko”. Meron din naman dito. Kaya lang, ang mga bagay na narito, ayaw naman natin. Para lang din sinabing “walang akong magawa”. Marami ka naman pwedeng gawin. Kaya lang, itong mga bagay na available na gagawin mo, ayaw mong gawin, tinatamad kang gawin o may iba kang gustong gawin.
Isa lang dahilan kung bakit nagpapaalipin sa ibang lahi ang mga Pinoy. PERA. Masasabi kong iyan ang nag-iisang dahilan. Kaya nga mas gusto pang gawing panginoon ang mga dayuhan para sa salapi. Hindi dahil sa kung ano pa man at sino pa man. Ang ibang dahilang maiisip mo, bagamat nasa estado ng pagsasakripisyo at pagpapakahirap, babagsak at babagsak din sa kategoryang pera ang dahilan.
Hindi sila magpapaalipin sa ibang lahi dahil sa Pilipinas. Tinanggihan nga nila ang Pilipinas. Nawalan sila ng pag-asa sa Pilipinas. (At nakakapagtaka, ang bansang iniwan nila sa ere noon ay ang bansa ring tumatawag sa kanila na mga bagong bayani ngayon.) Ang dahilan ng pagtatrabaho ng isang OFW ay upang maiangat ang kabuhayan ng pamilya at sarili. Hindi dahil gustong maiambag ang sakripisyo sa bansa. Hindi upang magpakabayani. Walang ganoon. Dahil kung ganoon, pwede namang makatulong nang hindi umaalis. Ang totoo, lahat ay sa sariling motibo lamang nabubuhay. Gustong-gusto kasing maging Victoria’s Secret ang ginagamit na pabango ng asawa na dati’y White Flower lamang.
At, marupok din ang lubid sa kabila. Ipinapanalangin kasi ng isang OFW na tumaas nang tumaas nang tumaas ang halaga ng dolyar laban sa piso. Para nga naman mas maraming salapi ang katumbas ng kanilang pagpapaalipin. Gustong-gusto nila na mataas ang palitan ng dolyar. Kapag mataas ang palitan ng dolyar sa piso, ibig sabihin mas maraming pera ang maibibigay kay Misis. Mas maraming pera, mas maraming pambili ng Victoria’s Secret.
Ang problema, kapag mataas ang halaga ng dolyar, mababa ang halaga ng piso. At kapag mababa ang halaga ng piso, ang ibig sabihin, mababa rin ang ekonomiya ng bansa. At kapag mababa ang ekonomiya ng bansa, mataas ang mga pangunahing bilihin at siyempre pang apektado ang mga karaniwang manggagawa na sumusuweldo ng mababa dito sa Pilipinas.
Di bale, marami naman tayong bayani.
Kapag umalis ang isang Pinoy papunta sa abroad, maiiwan nila ang kanilang pamilya. Sakripisyo ito sa OFW. Pero mas sakripisyo ito sa pamilya. Kung babae at may asawa’t anak, siguradong ibang tao ang titingin sa mga anak. Lumalaki tuloy sa pangangalaga ng iba na ang itinuturo ay ang matatas na pagsasabi ng salitang pakyu imbes na patsshu. Kung lalaki naman, ibang tao pa ang magpapalit ng pundidong ilaw sa kusina imbes na siya.
Nasasakripisyo ang “minsan-lang-sa-buhay-na-maging-bata” ng maraming kabataan. Maraming anak ang nawalan ng pagkakataong maramdaman ang kalinga ng isang ama o ina sa kanilang kamusmusan. At karaniwang hindi nasusubaybayan ang paglaki ng bata. Ipababantay na lamang ang paglaki sa malalaking Barbie Dolls o Robot na ipinapadala ng OFW.
Okay lang. Pag-uwi mo at paglaki ng anak mo, saka mo siya samahan para magpatuli kay Dok.
Nakakalungkot din ang katotohanan na ang mga OFW ang dahilan kung bakit nabansagan ni Tsip Tsao ang Pilipinas na “nation of servants”. Kung walang apoy, siguradong walang usok. At tanggap ko. Kung walang magpapaalipin, tiyak na walang tatawaging alipin. Hindi mo BA matanggap na tawaging ganoon? Kung domestic helper ka at gusto mong tawagin kang manager, pumunta ka sa Philippine Embassy at maghuramentado ka doon. Kung mas gusto mo naman na tawagin kang bayani alang-alang sa sakripisyo mo sa sarili mo at sa pamilya mo, pumunta ka sa monumento sa Caloocan at tabihan mo si Bonifacio.
Pasulubungan mo na rin siya ng tsokolate. Yung galing sa Canada at kagaya nitong may tatak na Made in China!
Mike Avenue
Pinoy Blog
Note: Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pananaw niya sa mga OFW. Patuloy ko pong ipagdarasal na sana ay dumating ang araw kung saan ang lahat ng may mababaw na pagtingin sa mga OFW... tulad ni Mike Avenue ay lubos na maunawaan na sa gitna ng mga tsokolate at pabango ay may mas malalalim na kwento at dahilan ang pagsasakripisyo ng mga OFW |
|
| Back to top |
|
 |
czyreil PSG Citizen


Joined: 04 Jul 2006 Posts: 22973
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 9:26 am Post subject: |
|
|
i think tama naman siya, ang main reason ng karamihan (not all) kung baket talaga nagpupunta overseas eh dahil sa PERA... para meron ikabubuhay ang pamilya... dahil kung walang pera pano ka mabubuhay? alangan naman manghingi ka sa kapitbahay mo diba?
to each his own... kelangan mong kumayod para me panggastos ka...
it just so happened that most filipinos realize na sa pinas mahirap mag ipon - which is the truth naman. Kaya nagiging OFW para makaipon and someday makabalik sa bansa na meron sapat na pera. Karamihan pa din kasi sa pinas pa din gusto mag retiro.
Hindi ko maintindihan kung baket laging sinasabi na nagpapaalipin sa dayuhan. Hindi ba niya alam maraming mga pinoy na matataas na din ang posisyon sa kompanyang pinagtatrabahuhan? saka ano ba ang ibig sabihin ng alipin? SLAVE. parang low life ba ang tingin niya sa OFW? baket? porke ba nag tatrabaho na ang boss dayuhan slave na? hindi ba puede naman sa pinas ka din working pero dayuhan ang boss mo? slave ka din sa sariling bansa ang baba pa ng sweldo mo?
although tama siya sa mga namention niyang mga disadvantages or should i say sacrifices ng isang OFW. Hindi ko magets kung baket naging alipin ang OFW.
as for pagiging bayani, ang OFW bayani ng sarili niyang pamilya. Ang pamilyang yan naninirahan sa pinas, gumagastos sa pinas. Ang ginagastos ng pamilya napupunta sa ekonomiya ng pinas. Kung walang gumagastos sa pinas babagsak ang ekonomiya. You do the math. hindi ba malaking tulong ng PERA ng OFW sa ekonomiya ng pinas? |
|
| Back to top |
|
 |
rGenius PSG Q1


Joined: 20 Feb 2006 Posts: 917 Location: EW5
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 9:36 am Post subject: |
|
|
guilty ako.. yup mukha akong PERA. kaya ako pumunta dito sa sg dahil sa PERA.
PERA na:
- ipinang-papakain ko sa pamilya ko
- pang tuition ng anak ko para sa kanyang edukasyon
- ipinapadala ko sa pinas para sa magulang ko dahil sa wala naman silang pension na maaasahan sa SSS.
- pangdagdag sa gross income reserve ng pinas. fyi, every month patuloy ang pagtaas ng padala nating mukhang pera
- sa iba ay kapalit ang homesickness at sobrang pangungulila sa kanyang pamilya
 _________________
 |
|
| Back to top |
|
 |
Carlos Santana PSG Social Visitor

Joined: 24 May 2009 Posts: 18
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 9:42 am Post subject: |
|
|
| hahaha nakakatawa at kakaawa naman itong si Mike Avenue mukhang isa lang ata ang mata niya dahil isang lang ang nakikita. Masakit pa ata ang loob na chocolate made in China ang bingay lang sa kanya. |
|
| Back to top |
|
 |
jfdvrooooom PSG Citizen


Joined: 21 Sep 2008 Posts: 3866 Location: Ang Mo Kio Ave 3
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 9:42 am Post subject: |
|
|
I don't agree with some of his statements
Like second hand choices na lang ang mga professional na naiwan sa Pilipinas... Ano ang basis niya doon?
What gives him a proof na lahat ng sumabak sa abroad ay lahat ng mga top caliber ng Pilipinas?
And regarding pagbangon ni Rizal dahil nawawala ang prinsipyo ng mga OFW... I think bumangot si Rizal dahil sa pinaggagawa ng mga pulitiko sa Bansa natin. We were once a tiger before, a developed country next to Tokyo ahead of Singapore but look at our country now... _________________
 |
|
| Back to top |
|
 |
zizi PSG EPEC Holder


Joined: 31 Oct 2008 Posts: 159 Location: Toa Payoh
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 10:10 am Post subject: |
|
|
For him: "mukha tayong pera." (period)
For us: "mukha tayong pera dahil ..................................." (madaming kadahilanan) |
|
| Back to top |
|
 |
FullMetalAlchemist PSG PR


Joined: 26 Sep 2006 Posts: 2630
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 10:14 am Post subject: |
|
|
flame bait.
medyo screwed bordering on sablay yung perspectives nya.
especially this part:
Meron din naman dito. Kaya lang, ang mga bagay na narito, ayaw naman natin. Para lang din sinabing “walang akong magawa”. Marami ka naman pwedeng gawin. Kaya lang, itong mga bagay na available na gagawin mo, ayaw mong gawin, tinatamad kang gawin o may iba kang gustong gawin.
meron din sa pinas, di nga lang ganun kalaki yung sweldo or hindi enough yung sweldo sa level ng lifestyle na gusto natin.
although, ever since agree ako sa thought na hindi dapat tinatawag na Bayani ang OFW. sabi nga nung klasmeyt ko nung grade four,
"every man has a circle that they protect and care for. Most men that circle is around him and his family. Some draw a bigger circle and include those who are dear to him - friends and relatives. Great men draws a circle around everything he sees."
for me, para maging bayani, is stepping out of your way and to always do the greater good not for you or your family but for everyone.
Working overseas, to improve our own lives and help our families, doesnt count. Hipokrito ang OFW na magsasabing lumabas sya ng bansa para sa ikauunlad ng Pilipinas - dahil sa remitance nya.
WOrking overseas is not heroic. IS it primarily self-serving? Yes. Is it the root of our country's problem? Far from it. its just the brutal reality that staying wouldn't change anything. E ano ngayon kung lahat ng mgagagaling na IT,NUrses,Engineer etc etc ay nasa pinas? aayos na ba ang sistema sa pilipinas? hindi, mawawalan lang ng trabaho yung mga "second-hand choices" at magsisiksikan lang tayo sa pinas - pareparehong amoy white flower, imbis na me paminsan minsang bumibisitang amoy victoria's secret. _________________
"Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure." |
|
| Back to top |
|
 |
jfdvrooooom PSG Citizen


Joined: 21 Sep 2008 Posts: 3866 Location: Ang Mo Kio Ave 3
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 10:30 am Post subject: |
|
|
"Honey I'm home...may dala ako isang balot ng prinsipyo... ihapag mo na para makakain na mga bata." _________________
 |
|
| Back to top |
|
 |
rGenius PSG Q1


Joined: 20 Feb 2006 Posts: 917 Location: EW5
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 10:36 am Post subject: |
|
|
| jfdvrooooom wrote: | | "Honey I'm home...may dala ako isang balot ng prinsipyo... ihapag mo na para makakain na mga bata." |
well said _________________
 |
|
| Back to top |
|
 |
sentinel PSG S-Pass


Joined: 09 Jun 2007 Posts: 722
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 10:39 am Post subject: |
|
|
LOL! parang high-school essay yata ito bwehehehe, may gatas pa yata sa labi ang sumulat nito, parang kulang pa sa karanasan, virgin pa siguro...
Maganda lumabas naman sana sya sa palda ng nanay nya, at makisalamuha sa kapitbahay nya at matutong kumain ng pisbol nang mamulat sya sa tinatawag na "Real World":
- na kahit mag-abroad ka o hinde, importante pa rin an pera. In fact mas maraming hayok sa pera sa pinas, handang pumatay para sa isang cellphone, while ang mga ofw eh namimigay pa ng cellphone.
- na di naman kagustuhan ng mga ofw na tawagin silang bayani, style lang yan ng gobyerno bilang pasasalamat sa mga nakukurakot nilang bahagi ng remittance. Masyado pa yatang fresh ang araling panlipunan sa kokote nya, kaya tiwala sa gobyerno, hehehe.
- na pag nagbalikan lahat ng ofw sa pinas ay di rin magagamit ng pinas ang expertise ng mga ito.
- Na kung nanatili si Charice sa pinas ay baka di sya sumikat dahil ang showbiz natin naka-focus sa mukha, bawal ang chubby ng pandak.
- Na kung si lea salonga ay sa pinas nag focus sa theatre ay baka langawin lng ang performance nya.
- Na yung engineer sa silicon valley eh pagdating sa pinas ay imbentor lang ng kalan ang bagsak.
- Na maraming nagbalikang ofw na namuhunan sa business ay nalugi dahil walang tulong ng gobyerno at kinain ng sistema ng lagay at palakasan ang dapat na kinikita nila.
LOL! nasaan na ba ang nanay nito? kailangan mapalo sa pwet at puro blogging ang inatupag, hehehe. |
|
| Back to top |
|
 |
angelofharlem PSG EPEC Holder

Joined: 07 Apr 2009 Posts: 100
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 10:50 am Post subject: |
|
|
| Carlos Santana wrote: | | hahaha nakakatawa at kakaawa naman itong si Mike Avenue mukhang isa lang ata ang mata niya dahil isang lang ang nakikita. Masakit pa ata ang loob na chocolate made in China ang bingay lang sa kanya. |
Di kasi sya maka kuha ng passport, kulang sa dokomento!!  |
|
| Back to top |
|
 |
jfdvrooooom PSG Citizen


Joined: 21 Sep 2008 Posts: 3866 Location: Ang Mo Kio Ave 3
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 10:59 am Post subject: |
|
|
| rGenius wrote: | | jfdvrooooom wrote: | | "Honey I'm home...may dala ako isang balot ng prinsipyo... ihapag mo na para makakain na mga bata." |
well said |
Anak dahan-dahan naman sa pag nguya ng prinsipyo baka mabulunan ka.
Itay wala bang pantulak man lang kahit tubig lang?
Sensya na anak, prinsipyo lang kaya kong iuwi sa inyo... lahat kasi ng pilipino naguwian at nag siksikan sa Pilipinas wala tuloy ako mapasukan. Kumag kasi yang Mike Ave na yan! _________________
 |
|
| Back to top |
|
 |
speedy_gonzales PSG EPEC Holder


Joined: 27 Aug 2007 Posts: 137
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 11:02 am Post subject: |
|
|
| angelofharlem wrote: | | Carlos Santana wrote: | | hahaha nakakatawa at kakaawa naman itong si Mike Avenue mukhang isa lang ata ang mata niya dahil isang lang ang nakikita. Masakit pa ata ang loob na chocolate made in China ang bingay lang sa kanya. |
Di kasi sya maka kuha ng passport, kulang sa dokomento!!  |
O kaya bitter ang author kc gang ngayon ndi sya matanggap tanggap sa ibang bansa.
pero sa oras na makakuha to ng offer.. malamang gumawa ulit ito ng blog.
Ang title "I am proud to be OFW" |
|
| Back to top |
|
 |
jfdvrooooom PSG Citizen


Joined: 21 Sep 2008 Posts: 3866 Location: Ang Mo Kio Ave 3
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 11:10 am Post subject: |
|
|
| speedy_gonzales wrote: | | angelofharlem wrote: | | Carlos Santana wrote: | | hahaha nakakatawa at kakaawa naman itong si Mike Avenue mukhang isa lang ata ang mata niya dahil isang lang ang nakikita. Masakit pa ata ang loob na chocolate made in China ang bingay lang sa kanya. |
Di kasi sya maka kuha ng passport, kulang sa dokomento!!  |
O kaya bitter ang author kc gang ngayon ndi sya matanggap tanggap sa ibang bansa.
pero sa oras na makakuha to ng offer.. malamang gumawa ulit ito ng blog.
Ang title "I am proud to be OFW" |
Ipupusta ko 13th month pay ko, pag binigyan ng contract yan 2 years $2500 ang sweldo kumpleto pati IPA papamedical na lang siya pag dating dito...
Tignan ko lang baka hindi na niya tapusin ang kinakain niya ngayon oras na ito magiimpake na yan and for sure ang shout niya sa Facebook
"SINGAPORE, BAGONG BUKAS!" _________________
 |
|
| Back to top |
|
 |
|
|
 |
jfdvrooooom PSG Citizen


Joined: 21 Sep 2008 Posts: 3866 Location: Ang Mo Kio Ave 3
|
Posted: Thu Jun 04, 2009 11:30 am Post subject: |
|
|
| jfdvrooooom wrote: | | rGenius wrote: | | jfdvrooooom wrote: | | "Honey I'm home...may dala ako isang balot ng prinsipyo... ihapag mo na para makakain na mga bata." |
well said |
Anak dahan-dahan naman sa pag nguya ng prinsipyo baka mabulunan ka.
Itay wala bang pantulak man lang kahit tubig lang?
Sensya na anak, prinsipyo lang kaya kong iuwi sa inyo... lahat kasi ng pilipino naguwian at nag siksikan sa Pilipinas wala tuloy ako mapasukan. Kumag kasi yang Mike Ave na yan! |
Honey I'm home.... paki bukas na ang pinto.
Hayop kang Mike ka.... huwag na huwag kang papasok sa loob ng bahay kung yang prinsipyo na yang ang ipapakain mo nanaman sa mga bata.
Mas mautak pa sa iyo kumpare mo, nagbabanat ng buto at nagsasakripisyo sa abroad para lang may maipakain sa pamilya.
Special naman itong prinsipyo na dala ko honey, may itlog at pinadagdagan ko ng sabaw _________________
 |
|
| Back to top |
|
 |
|