|

Para maiba lang itagalog natin ang kasalutan na eto ng maramdaman ng bawat pinoysgers ang pagpupunyagi na tayo ay 5 taon na!
Parang kailan lang, taong ika-dalawang libo’t apat, (naks!) ng sumulpot ang PinoySG sa Singapura. Nag umpisa sa mangilan ngilang miyembro ng mga addict sa pinoysg ang nagkita-kita para ipauso ang walang puknat na EB na madalas namang hindi nag kakape, pinamunuan ng bonggang bonga na sina glamorous Mamu Byatch, alluring Bam at Yummy Papa Chel.. Mula sa halos bente lamang na miyembro, nahikayat ang ilan at kahit pati hindi imbitado, nagsisipagdalo sa buwanang EB.. Ngayon.. sinong mag aakala na tayo, “PINOYSGERS” ay umaabot na sa lagpas limang daang (500) aktibong miyembro!
Para sa may mga sakit na kalimot( memory gap) para sa ating pagbabaliktanaw, nasusulat ang ilan sa ating mga nadaluhan na nagpatatag hanggang ngayon sa ating samahan:
Coffee EB : July 10, 2007 tapos….. Coffee EB : Dec 4, 2009 (ika-37 na EB)
Fun bowl : Aug 2007 tapos ulit….. 3rd Funbowl: May 3, 2009
1st Charity Drive (for runaway maids at HOME), November 2007 tapos padin….. 2nd Charity Drive (for runaway maids at HOME), October 2008
1st Sportsfest: May 10, 2008 tapos….. 2nd Sportsfest: October 24, 2009
(atbp…kulang sa pahina)
At hindi natin maaring isantabi ang mga grupong nagpausbong ng masasayang lakaran, tuksuhan, asaran,suportahan, iyakan, tawanan, close closesan, jammingan, tunggaan, handaan, binyagan, kasalan, kaarawan, at ang haba naman, madami pang iba.. eto na sila:
PinoySG subgroups (then and till now)
PSG Badminton Club, Ilokano@SG, Bisdak, Cabalen, Bulakenyo, Batangueño, Tbagz, Nyakkers, Redliners, MASP (Photography), Kalasag (Mountaineering), Volleyball, Warfreakz (Paintball), Dance Group, Crossliners, Adiktuz, etc
Kukulangin sa espasyo kung babanggitin lahat ng ating pinagsamahan, kaya sinimplehan na lang naming iparating sa inyo ang malaki at madami naming pasasalamat. MARAMING SALAMAT Pinoys sa Singapore. Sabi nga ng iba, pag bago ka sa Singapore, suportado ka ng PinoySG!
Para sa lahat ng naging bahagi ng ating limang taon, ipagbunyi nyo na tayo ay taga PinoySG! Sa susunod na event, kita kits tayo! Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon Kabayan!
*** baka lang andito ka sa mga fiktyurs na nakalap namin..



 |