Lost Password? No account yet? Register
  • default color
  • red color
  • green color
Biag ni Lam Ang's Descendants - Ikalawang Yugto Print E-mail

ilocano-biag1.jpgSa  pagpapatuloy  ng  epiko ng  'Biag ni Lam-ang',  this time eh mga descendants in Sg nya naman ang bida. Nasilayan na rin sa wakas ang rupa dyay bangir-en at fc na rin ang bawat isa kaya ang dating bulilit-bulilit-sanay-sa-masikip section na  ilokano@sg ay umasenso na. Ang  mga members ay tila palakang naglabasan matapos ang isang super typhoon  aka  1st-EB.

Umusbong ang  iba't ibang thread para sa mga chismosong Ilokano na gustong malaman ang iyong  1st EB impression, 1st EB experience, pektyurs , blog, bday at pati na rin ang kinain sa araw na yun.  Naipatayo na rin ang  first ever clinic,  na matatagpuan sa 'Ania ti sakit mo? Libre nga konsulta kenni echolover....' ngunit kinalulungkot kong sabihin na MC ang resident doktor  at ang nalapsat na nurse,  kasalukuyang nagpapagaling sa kanilang mga respective na karamdaman.   At dahil nga pabongga ng pabongga as days goes by eh nagkaron din ng Dear Ate Charo counterpart sa katauhan ni Ann_Nicole. Ang bawat makabagbag damdaming episode ay matutunghayan dito sa  'IF YOU NEED ENCOURAGEMENT..POST HERE....' .   Sa ngayon ay kasalukuyan nya pang  dine-decipher ang problema ilocano-biag2.jpgng  huling letter sender.   Ang maipapayo ko lang eh kaya mo yan Ate Charo, huwag kang susuko.   Patuloy pa rin sa adhikain  ang  ‘ILOCANO WORDS/SENTENCES - meaning and translation’ thread na tumulong sa mga Ilokanong naliligaw sa landas ng usapan.  Pinaka-mabenta at hindi naubusan ng parokyanong na-diagnose na may AIDS   ang BATIAN, KULITAN, ASARAN, atbp thread.

Pinangunahan ng Steering Committee ang 2nd EB planning.  Sa East Coast Park BBQ Pit 39 ang venue at ito ay sa Aug 1-to-sawa. Kanya-kanyang post nu anya ti kayat balunin at saan committee gusto mag-bida-bidahan.  Hindi nakuntento sa first EB at sa nalalapit na 2nd EB at  dahil miss na ang isa't isa kaya nagkaron pa ng 1.5 EB/Committee meeting/Gimik noong July 17 sa LAU PA SAT.   May minor confusion na naganap na  'Kung yung LAU PA SAT daw ba eh text format na ang meaning ay  LAYO PA SATURDAY? '  Agad  namang nasagot ang katanungan ito at yung humirit na yun eh naging instant member agad ng Boyoyong Clown committee. After mag dinner ay nag-kayayaan pa sa TP. Ito ay ilocano-biag3.jpgpara mapatunayan na rin ni Chairman na ang fave hangout nya ay  isang disente, child-friendly at maaring pag-dausan ng mga serious meetings.  Bago makarating sa nasabing lugar eh kailangan munang mag-buwis ng  1 kilo ng taba at 1 basong pawis sa pamamagitan ng paglalakad ng ilang kilometro.

Naglipana ang iba’t ibang uri ng bubwit para sa mga latest buzz. Lumabas ang mga mapangahas at panakit ulong blind item.  Naging favorite expression ang Liwliwa at Naikapis.   Nagkaron ng online contest para sa logo at t-shirt design na magiging official logo at shirt ng mga nalapsat at nataraki na Ilokano.  Ang madedeclare na winner ay mananalo ng limpak limpak na palakpak at libreng t-shirt na galing sa mga GI (galanteng Ilokano) na sina grl2008, ngobngob at ej0206. Sumulpot at nagparamdam ang mga talentadong Ilokano sa larangan ng pag-guhit.  Nagpa-labas din ng bagong decree ang kamay na bakal para sa papalapit na 2nd EB.  Sa buhay na ito may mga patakaran ding dapat sundin, kunada met ‘Life is not always a bed of roses’.

10 UTOS NG KAMAY NA BAKAL para sa ika-2 EB

1. Dumating sa itinakdang oras,  may multa ang late.

2. Hindi na uso ang thank you ngayon, magbitbit ng kahit ano.

3. Siguraduhin na hindi lalagpas sa sinet-up na Perimeter fence,  kung hindi maku-kuryente kayo.

4. Kapag umulan, pumila ng isang hanay lamang hanggang makarating sa pinaka-malapit na Gazebo. To be lead by the Sgt. at arms.

5. Observe toilet break . 9:00-9:15 am at 3:00- 3:15pm only. Otherwise gamitin ang arinolang dala ni a69pd.

6. Kapag pinatupad na ang games, at tumawag ng kalahok, huwag maging pasaway at pasakit. Lumapit na agad para huwag ng tuluyang masaktan pa ng mga Game marshals.

7. Huwag magpahuling nag-ro-roller blades, biking o kung anumang water sports na matatagpuan sa ECP tulad ng kayaking, dragon-boating at wakeboarding.

8. Kapag nagutom at hindi nagustuhan ang pagkain, huwag magpahuling kumakain sa McDo, KFC or sa Jumbo Seafood Restaurant ng hindi namimigay.

9. Wear your sticker badge at all times. Ito  ay para sa may mga short-term memory na hindi na maka-tanda ng pangalan.  

10. Joke, Joke Joke ang #1-9,   It’s a day of fun, food and fellowship and we promise another history in the making. 

ilocano-biag4.jpgMagawi naman tayo sa buhay ng mga na-assign sa T-Shirt  Design at Logo Selection Committee.  Ang ambisyon ko nung sumali ako sa komite na ito ay simple lang, gusto ko lang magkaron ng official t-shirt, yun lang, period.  Pero kamusta naman sa paglipas ng panahon.   Naidaos ang committee meeting kasabay ng pagbaha ng pagkain at inumin sa Newton Circle. Na-shortlist ang 2 logo at 3 back design.  Ok ngarud, good job, ipost na yan sa thread at ng ma-preview na nila.  Maayos naman sana ang buhay, hanggang sa na-feature sa XXX at na-exposed ang katotohanan 2 days before the EB.  Inembistigahan ng SOCO at napag-alamanan na ang  na-short list na logo na may Lam ang  ay hindi naman pala si Lam ang sa totoong buhay , ito ay si  Lapu-lapu  Nyek… kaya naman pala sobrang hunk.

 

 

Mayday , Mayday  !!!

Press panic button now na  !!!

Inhale Exhale, Inhale, Exhale.   repeat 100 times .

 
Emergency meeting is next to impossible, so next option is YM conference.  Hindi ko kinakaya ang conference na ito, nagsimula  kami mag conf nila  kaskasera, shang, jhonalyn, ginginer at pjeia ng  9:30pm at natapos ng 11:30pm.  Dinaig pa ang telecon sa ofis at ginutom ako ng bonggang-bongga pagkatapos.  In fairness, success naman kahit na ilang beses kaming nag-super poke kung may nakatulog na ba sa amin dahil lumalalim na ang gabi. May sumagot na hindi pa naman, nag- haha- harvest lang dun sa farm nya sa FB, akalain mo yun.  Whew! Everything is under control, nakapili naman ng 3 logos at 3 designs.   Kinabukasan,   call to designer perspect.X for revision, ym kay Kas,  email kay Ginginer, ym kay Kas,  ym kay Jhonalyn,  ym kay Kas, update sa PSG, ym kay Kas, call kay perspect.X.   Siguradong pasok sa top 10  ‘Busiest day of my Life’ ang araw na ito. Six pm ko na namalayan na ni hindi ko man lang nabawasan ang water bottle ko. Note to self, ‘Huwag ganun Bingo_sg, huwag adik, ayusin mo ang buhay mo!’.    Hingan nyo na lang ng separate statement si Kas, ang alam ko kahit MC sya eh nag-fulltime sya sa PSG.

ilocano-biag5.jpgPapalapit ng palapit ang EB eh pasosyal rin ng pasosyal,  ang BBQ Pit 39 venue ay nadagdagan ng chalet sa Gold Kist.  Ito ay sponsored ng isang may mabuting puso na  ayaw ipasabi ang pangalan . Pero hindi naman ako papayag na hindi sya mabigyan ng recognition at pasasalamat kaya  eto ang clue, GiRLalu po sya.  Nanawagan ako kung sino man ang nagsasabing "kuripot" ang mga Ilokano eh  kamusta naman ang isang ito di ba?

Dumating din ang pinaka-hihintay na araw. Second Ilokano EB na.    Early bird sila grl2008,  jdex, ying,   at ginginer.    Pati  na rin ang   award winning , critically acclaimed at resident paparazzi  na si toxxi6  Sumide-line  muna sa mga nag-triathlon sa tapat, kasama si davoy.   Binalak ko rin sanang bentahan ng dala kong Miki @ 2sgd per bowl dahil mukhang pagod at gutom ang mga sportsminded na ito,  kaya lang naisip ko kahit pang-feeding program ang size ng kaserola eh baka walang matira sa mga Ilokano na gabi pa lang ay pinapangarap na ito.     Nag-umpisa nang mag-tuno si ying, i-b7.jpgjdex, colokoy, daimos  at tita ni daimos.  Gutom na ang iba kaya nag lunch na muna ang mga early birds.

Isa-isa ng dumating ang mga Ilokanong ayaw ma-ikapis sa maka-saysayang araw na ito.  Matang lawin mode ang registration committee na sila Pjeia at Jhonalyn sa bawat new comer.   Alas 3 ng hapon ay nag-announce na si Chairman Ngobngob na umpisa na ng kasiyahan.   Inuna ang Logo at Back Design Votation.  Wala namang flying voter, at vote buying na naka-lusot dahil attentive ang mga ‘Boto mo Ipatrol Mo’ volunteers.

 

Walang mapag-dikitan sa logo at back design  for viewing and selection kaya dun na lang sa may  likod ng basurahan.  Siniguro naman ng comelec na mapabilang ang inyong mga boto at  walang maghulog ng kanilang  balota sa basurahan.   Landslide  ang Logo #1 at Back Design # 2.

 

i-b10.jpg

 

Dumating ang panauhing pandangal na si  Moderator Toto na nagdala ng  Puto , uy nag-rhyme iyon ah .  Pati na rin ang talentadong designer na si Perspect.X na winner  sa contest.X, wala lang, pinilit ko lang mag-rhyme.   

 

 Game na game na!   Umentra na ang mga game masters na pinangunahan ni i-b9.jpgd_survivor, ms_marvel at pjeia.  Inuna ang Bawal Magsabi game.  Bawal magsabi ng Yes, No, Oo, Hindi, Haan, at Wen kundi babawasan ng sticker. 

 

d_survivor:   'Umpisa na ba tayo?'

(si bingo_sg eh nag isip ng konti)

bingo_sg :   'Sure!'

d_survivor:   'Ang galing mo ah!'

bingo_sg: 'Opkors! Akala mo ha!  HINDI mo ako maloloko noh!'   (*with conviction*)

(ayun Lost ng 1 sticker,pambihira ang higpit higpit nyo naman!)

Next ang polo relay at pati na rin ang nakaka-lurky na  Picture frame game.

 

i-b11.jpgi-b12.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

i-b13.jpgi-b14.jpgGusto ko i-special mention ang Daimos family (Daimos, Wifey, Putot na model in the making , Tita at Kadwa) dahil lahat ng games sinalihan nila.  Napaka-competitive at napaka-cool ng pamilyang ito.  I think na-brief naman sila prior to the game na hindi ‘House and Lot’ ang mapapanalunan dito , kundi  ‘Fame and Recognition’ lang muna sa ngayon. Moving forward eh bo-bongga na ang prizes natin.   Para magkaron naman ng participation ang mga bartek boyz eh nagkaroon ng Beer Drinking Contest. Nag-tie sila Judy at Steampunk,  kaya isa pang round.  Aba nag-rereklamo pa na ang liit daw ng butas ng beer in can, eh standard na po yun hehehe.   Sa huli eh wagi si Steampunk na ginawa lang halos danum ang beer, nag-uwi sya ng PSG mug sponsored by Mod Toto.   Another adult game eh ang trip to Jerusalem with talong twist.  This time eh tumataginting na 50sgd ang mapapanalunan ng ma-swerteng contestant at galing sa isang donor  na itago na lang natin sa bansag na ‘chairman’.   Winner si Glenda sa game na ito.  Sa mga girlash na na-amazed sa kakaibang talentong ito, maaring lumapit lang sa kanya para sa libreng seminar.  Handa syang i-share ang ilang  ‘Tips and Tricks’ tungkol dito.   Mabuti na lang at walang nasaktan sa games, di bale ever ready naman ang true to life nurse nating kabsat na si graceleo for first aid, just in case.

 

 


i-b15.jpgi-b16.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

It’s not  Uber Hyped, kapag sinabi kong bumaha talaga ng food and drinks sa  araw na iyon.

Hindi ko man natikman lahat pero na-sight ko ang mga food na ito:  dinakdakan, papaitan, relyenong bangus, igado,  pork w/ tofu, roast chicken,  miki, spaghetti, tuno na pasayan , tahong, pork, chicken,

 

i-b17.jpgi-b18.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

squid, bangus  at pati na rin ang mga desserts na puto,  palitaw, leche flan , cake,  macaroni salad at pati na rin ang mga chips at chicharon.  Hindi ko ma-Da i-b18.jpgWho kung sino sino ang nagdala ng ‘Uray anya ti Masida’  stated above but you know who you are.   Tuno galore tuloy ang drama ng na-assign sa Tuno Committee na sila colokoy at ying. Napamahal na sila sa bbq pit kaya hindi na nakasali sa games,  i-b21.jpgbuti na lang at dumating ang reinforcement nila na sina michelle, ricky, joy at rob.  Kamusta naman ang mga nalanghap nyong usok, kabagis.  Ok ka ba lungs?  

 

Andaming nag-rise up na leader, hindi na kailangan utusan, may kusang palo at masisipag talaga ang mga Ilokano.  Sa tuwing may kailangan, super assist ang errand boys natin na sina ginginer at jdex.  Bouncer naman at namamahala sa peace and order ang  pambato natin sa triathlon na si  gymblues at pati na rin si  ruelpogiit2nd.

 

Highlight din ang hindi inaasaahang pag-tatagpo ng Angkol ko palang si Hilux2009.


i-b22.jpgNaks parang teleserye lang, nangilid nga ang luha ko ng mga sandaling iyon. Kaya pala may lukso ng dugo sa tuwing nakikita ko syang read mode dun sa PSG.   Ang maipapayo ko lang  sa mga Ilokanong  nag-hahanap ng long lost relative.   Umattend sa  3rd EB.  “It's a surefire way to find your relative!” .

Sa mga ganitong gathering, hindi rin mawawala ang namumuong labtim. Usapang puso na ito, handa na ba kayong kiligin?  Yihiii!!   Pambihira itong si  8*-boylet at si 8*-girlalu, aba eh muntik ng ipisin, este langgamin sa ka-switan.  Andun sila, tila may sariling mundo, magkatabing  naka-upo sa isang banig, naka-sandal sa puno, nakatingin sa kawalan at napapaligiran ng  maniningning na... well  Bituin sana ang request  ng magsing-irog para mas perfect and romantic, eh kaso, haller,  sana ma-realize nila  na nasa Sg tayo noh.  So temporarily eh ginawan natin ng paraan.  Magkasya muna sila sa maningning na ilaw ng mga i-b23.jpgnaka-park  na barko sa ECP.  Naks parang si Aladdin at Princess Jasmine lang di ba?   Kulang na lang eh si Lea Salonga habang  kumakanta ng awiting  ‘A Whole New World’.   Pero ang balita ko eh meron din silang na-arkilang gitarista.  Bespren Shang, nabayaran ka ba nila sa talent fee mo? 

 

Speaking of guitar, kahit pinagdamot ng ECP ang power supply, eh hindi nag-paawat ang mga musically inclined for providing us the sounds.  Gustuhin man mag-retire ang inamag ng panahong dala nilang songhits eh performance level naman sa pagkanta at pag-gitara si Chairman Ngobngob,  Rocker dude Rommel at Rocker chick  Glenda. 

 

 

i-b24.jpgi-b24a.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

 

i-b25.jpgBitbit ang tape measure at order form eh nag-rounds na ang masisipag at nag-gagandahang sila  parasatabe, shang at shawit66 para sa mga gustong mag-order ng shirts.  Plano na sa 3rd EB eh suotin na ito ng sabay-sabay para mas solid at mas astig pa ang Ilokano@Sg.  Kung mapapansin nyo, sila yung may tag line na “Pay as You Order’  o kaya eh sumisigaw ng “T-shirt Poh’.   Kung meron man kumukuha ng sukat nyo at nagtatanong kung Apitong o Narra,  gusto ko lang po linawin na hindi nila ka-group yun.  Babala: Mag-ingat sa mga impostor.

Sobrang saya ng pag-titipon na ito.  Thank God at nakisama ang weather.  Super success dahil nag-times 2 ang attendance, kaya nag-times 2 din ang 27 kulitan at kasiyahan.  Hindi rin nawala ang mga Italyano.   Sabi nga nila di ba, the more the mannier.  Salamat sa lahat ng tumulong, nagpagod at umattend. Sulit kunaman nya! Sorry na lang sa mga nai-kapis, sana ay maka-attend kayo sa 3rd EB.   It’s never too late to join us.  Third EB Planning, time starts now!

 

 

COMING SOON!!!
http://www.pinoysg.com/forum/viewtopic.php?t=24445&postdays=0&postorder=asc&start=1635

 

 i-b28.jpgi-b29.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  *****************************************************************

Acronym:

EB -  Eyeball
MC – Medical Certificate
AIDS  - As if Doing Something
FC  - Feeling Close
TP  -  Tanjong Pagar
FB  - Facebook

SOCO -  Scene of Crime Operatives
Italyano  - Itang Ilokano

I
lokano Lesson 101

Biag  -  buhay
rupa – mukha
bangir – kabila
ania  - ano
nalapsat  - sexy
anya ti kayat balunin – ano ang gusto baunin
liwliwa  - kasiyahan
naikapis  - hindi nakasama sa kasiyahan
nataraki  - hunk
kunada – sabi nila
tuno  - ihaw
danum  - tubig
Uray anya ti Masida  - kahit anong mai-ulam

Writer:  Bingo_SG
Blogsite (URL): http://psgilocano.multiply.com/journal/item/2/Biag_ni_Lam_Angs_Descendants_-_Ikalawang_Yugto_

Last Updated ( Saturday, 08 August 2009 )
 
< Prev   Next >